GMA Logo Kristoffer Martin
Celebrity Life

Kristoffer Martin on his married life: ''Yung contentment ko ngayon iba'

By Aimee Anoc
Published September 27, 2022 7:23 PM PHT
Updated September 28, 2022 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin


Pag-amin ni Kristoffer Martin, "Kung gaano kasaya at kabuo ang pamilya ko ngayon it's because of what happened in the past."

Mahigit pitong buwan na ngayong happily married si Kristoffer Martin sa kanyang asawang si AC Banzon.

Tulad ng ibang relasyon, dumaan din sa pagsubok sina Kristoffer at AC. Pitong taong naging magkasintahan ang dalawa bago maghiwalay noong December 2020.

Makalipas lamang ang ilang buwan, inamin ni Kristoffer na mayroon na siyang anak, si Precious Christine o "Pre," na ngayon ay limang taong gulang.

Noong November 2021, kasabay ng kanyang ika-27 kaarawan ay kinumpirma ng aktor na nagkabalikan sila ni AC hanggang sa ikasal noong February 3, 2022.

Sa isang press interview, ibinahagi ni Kristoffer ang mga natutunan sa mga nangyaring ito sa kanyang buhay.

"I think what happened po in the past was a big lesson talaga. For me kailangan ko siyang pagdaanan. 'Yung contentment ko ngayon iba... sa family ko, sa wife ko, sa anak ko. Kung hindi po dumaan 'yung mga dumaan sa buhay namin before, 'yung contentment na nararamdaman ko ngayon hindi po ganito," kuwento ng aktor.

Ayon kay Kristoffer, kung gaano "kasaya at kabuo" ang pamilya niya ngayon ay dahil ito sa mga pinagdaanan nila sa buhay. Aniya, "Pini-place talaga lahat ni Lord ang mga bagay na mangyayari sa buhay natin, nasasaiyo na lang kung paano mo siya makikita."

Ikinuwento rin ni Kristoffer ang mga nangyaring "adjustment" sa buhay mula nang maikasal.

"Iba once may blessing talaga from the Lord, mag-iiba talaga lahat ng takbo. Mas naging understanding kami sa isa't isa, 'yung mga away po namin dati ngayon sobrang liit na lang, tapos ang dali pong mag-sorry sa aming dalawa. Sabi ko, 'May magic 'yung kasal e' no!' Akala ko rati title lang siya, hindi po pala. 'Yun ang pinakamalaking bagay na nagbago sa amin, ang bilis naming mag-sorry sa isa't isa."

Samantala, naghahanda ngayon si Kristoffer para sa pinakabago niyang single under GMA Music, ang "'Di ba?" na mapapakinggan na sa Biyernes, September 30.

MAS KILALANIN SI KRISTOFFER MARTIN SA GALLERY NA ITO: