
Inamin ni Candy Pangilinan na pati ang anak niyang si Quentin ay nakakatanggap rin ng negative comments sa social media.
Ayon kay Candy, may mga taong nag-iiwan ng mga masasakit na comments sa kanyang anak sa social media. Inamin ni Candy na tina-target ng mga ito ang kondisyon ng kanyang anak.
Si Quentin ay diagnosed with autism and attention deficit hyperactivity disorder (ADHD).
PHOTO SOURCE: @candypangilinan
Kuwento ni Candy sa kanilang podcast nina Carmina Villarroel, Gelli at Janice de Belen na "Wala Pa Kaming Title," hindi siya pumapatol sa comments ngunit ang nakakatanggap ng masasakit na salita ay si Quentin.
"Hindi ako pumapatol kasi may mga pumapatol na before ko pa patulan. For us kasi ang nangyayari, si Quentin."
Ayon kay Candy nag-iisip muna siya bago niya sagutin ang mga ito.
"Binabasa ko lang, ganyan. Iniisip ko mga 30 minutes. Nilalayo ko 'yung telepono tapos mag-iisip ako mga 30 minutes. Ano'ng gagawin ko? Magdadasal pa ako."
Dugtong pa ni Candy na kapag ipinagtanggol niya si Quentin ay parang ipinagtatanggol niya na rin ang ibang magulang at mga anak na nasa parehong kondisyon.
"Ipagtatanggol ko ba? 'Pag ipinagtanggol, hindi lang si Quentin, pati 'yung mga ibang ano. Sasabihin ko 'yun nang mahinahon na you can call them other names kasi baka may masaktan kang ibang tao, mga nanay. Ang dami, pinoproseso ko."
Ngunit bago pa siya makasagot, ang oras na ginamit niya para mag-isip ay nagresulta na sa pagtatanggol sa kanya at kay Quentin ng kanilang followers. Dahil dito, iniisip ni Candy na wag na lamang sagutin ang mga ito.
"Pagkuha ko ng phone ko, ang dami nang sumagot, okay na."
Panoorin ang mga kuwento ni Candy at nina Carmina, Janice at Gelli dito:
BALIKAN ANG TENDER MOMENTS NINA CANDY AT QUENTIN DITO: