
Proud na ibinahagi ni Sharon Cuneta ang simpleng regalo nito para sa kaarawan ng anak na si Miguel..
Sa Instagram, ipinakita ni Sharon kung gaano kasaya si Miguel sa natanggap nitong "simple phone" para sa kanyang 13th birthday.
"Someone is turning 13 on [October 29 and 27]. He likes 'having two birthdays' and got a new, simple phone!" sulat ng Megastar sa Instagram.
Ayon kay Sharon, naging tradisyon na ito ng kanilang pamilya simula sa panganay na anak na si KC Concepcion.
"All my kids started with simple cell phones! Look how happy he was to finally get one," dagdag niya.
Komento ng netizens sa post na ito ni Sharon: "Mayroon pa palang ganitong [cellphone] ngayon?"
"I'd love my kids to start with a basic phone too," sabi ni @carcaelli.
"Miguel palaro naman ng snake. Hahaha!" dagdag ni @happybluheart18.
"Happy birthday pogi. 'Yung ngiti niya sa simpleng cellphone na 'yan," sulat ni @gens_lala.
Si Miguel ang nag-iisang anak na lalaki nina Sharon at Kiko Pangilinan. Mayroon ding dalawang anak na babae ang mag-asawa, sina Frankie at Miel. Anak naman ni Sharon si KC sa aktor na si Gabby Concepcion.
TINGNAN ANG FITNESS TRANSFORMATION NI SHARON CUNETA RITO: