
Matibay ang paniniwala ng aktor na si Andrew Schimmer na gagaling ang kaniyang asawa na si Jho Rovero.
Sa latest medical update ni Andrew sa kaniyang Facebook account last November 17, ibinahagi niya na nato-tolerate na uli ng digestive system ni Jho ang feeding.
Dagdag niya, very stable raw ang blood pressure ng kaniyang partner at “very good” din ang oxygen saturation nito.
Matatandaan na naiulat na nakalabas na ng St. Luke's Medical Center, Taguig City si Jho noong October 10, pero matapos ang isang linggo kinailangan siya uli ibalik sa ospital.
Lahad ni Andrew, “Nakakatuwa lang guys kasi she's very, very strong. And she's really fighting.
“Maganda yung improvements na ipinapakita niya every day.
“So huwag lang natin bibiglain, huwag nating mamadaliin, step by step uli, little by little.”
Sa kabila ng bagong challenge sa kanilang mag-asawa, hindi natitinag si Andrew sa paniniwala na darating ang panahon na tuluyang gagaling ang misis.
“I will push through. We will push through, promise ko sa inyo yan. I will not stop. I will never stop.” diin ni Andrew.
Dagdag niya “Hanggang sa makita niya noh, na okay na okay na siya. Hanggang sa makita n'yo na siya mismo 'yung nagu-update sa inyo, hindi na ako. I will never stop!
“Until that day comes na siya mismo ang nag-uupdate sa inyo mga kapatid I will never stop.”
“Muntik nang dumating 'yun, muntik na. Well, everything happens for a reason. May rason ang Panginoon kung bakit tayo binigyan ng konting setback.”
“Naniniwala ako darating 'yung panahon na 'yun guys. Darating 'yung panahon na 'yun intayin n'yo lang, siya na mismo ang magu-update sa inyo.”
Kahit mahirap man ang laban, sinabi ni Andrew Schimmer na naiibsan ang kaniyang nararamdaman, dahil maraming tao ang nagpapabot ng mensahe at suporta para sa kaniyang asawa.
“Most of the time nakakapag-reply ako after 24 hours na kasi guys napakadami n'yo nire-replyan ko mga kapatid. Hindi ko naman puwedeng balewalain 'yung iba nating kapatid nangungumusta, so kailangan ko rin silang i-update every now and then… Kasi nakakatuwa napakadami n'yo nag-aalala, napakadami n'yo nag-darasal para sa kaniya.”
“Again guys, i-update ko kayo palagi. For now, she's very stable, she's doing great. Maraming, maraming, maraming, maraming salamat sa inyong lahat.”
HETO ANG ILANG CELEBRITIES NA MAY RARE MEDICAL CONDITION BELOW: