GMA Logo Aicelle Santos, Leonila Santos
Celebrity Life

Aicelle Santos pens poem for her mom who passed away recently

By Jimboy Napoles
Published December 8, 2022 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Aicelle Santos, Leonila Santos


Aicelle Santos to her mom Leonila: "'Pag tahimik na ang lahat, ikaw lang ang hanap."

Madamdamin ang social media post ngayon ng Kapuso singer na si Aicelle Santos kung saan inalala niya ang kanyang namayapang ina na si Leonila Santos.

Matatandaan na nito lamang November 24, ay binawian ng buhay si Leonila matapos itong ma-comatose at ma-cardiac arrest.

Sa Instagram, ibinahagi ni Aicelle ang larawan ng ina noong ito ay nabubuhay pa, Nakatalikod ito at malayo ang tanaw sa mga bundok.

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos)

Kalakip ng larawan na ito ay ang tula na isinulat ni Aicelle kung saan mababakas ang kanyang pangungulila.

"Sa bawat gabing pagtulog ay patak ng luhang pag-agos. 'Pag tahimik na ang lahat, ikaw lang ang hanap," sulat ni Aicelle.

"Balang araw alam ko, mayayakap kang muli, makikita ang iyong ngiti," sunod pa niya.

"Pero ngayon, iiiyak muna. Padadaanin ang panahon, titingala muna sa iyo, sa langit," pagtatapos ng kanyang tula.

Sa comments section ng post ni Aicelle, agad na nagbigay suporta ang ilan sa kanyang mga kaibigan at fans.

SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG PAMILYA NI AICELLE SANTOS AT ASAWANG SI MARK ZAMBRANO SA GALLERY NA ITO: