
Bukod sa pagiging mahusay na aktres, kilalang content creator din si Bea Alonzo.
Sa katunayan, isa sa paboritong bisitahin ng fans ni Bea ay ang kaniyang YouTube channel.
Nito lamang December 24, bago sumapit ang araw ng Pasko, isang vlog ang inupload niya sa kanyang channel na talaga naming kinaaliwan ng kanyang fans at ng libu-libong netizens.
Sa Christmas vlog ng Start-Up PH actress, mapapanood siya habang ipinapalaro niya ang song association game sa kanyang pamilya.
Ang players ay nahati sa dalawang grupo.
Ang stepdad at mother ni Bea na sina Dondon at Mary Anne o Madam M ang nasa unang grupo, samantalang ang magkakampi naman sa pangalawang grupo ay ang kanyang stepbrother na si James at ang asawa nito na si Thalia, na anak ng komedyanteng si Bayani Agbayani.
Sa bawat salitang binabanggit ng aktres ay nag-unahan at nagpagalingan sa pag-iisip ng angkop na kanta ang pamilya ni Bea.
Napuno ng tawanan at kulitan ang naturang vlog at ang ilang netizens na nakapanood nito ay napansin ang natural na saya na mayroon ang pamilya ng tinaguriang This Generation's Movie Queen.
Napansin din ng kaniyang subscribers ang sweetness ng ina ni Bea at ng kanyang stepfather na si Dondon.
May 396,000 views at mahigit 8,000 likes na ang naturang vlog.
Panoorin ang Christmas vlog ni Bea Alonzo kasama ang kaniyang pamilya sa video na ito:
Noong 2020, matatandaang nakipaglaro ng song association si Bea sa vlogger na si Mimiyuuuh.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 2.9 million subscribers si Bea sa kanyang YouTube channel.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST-VIEWED VLOGS NI BEA ALONZO SA GALLERY SA IBABA: