
Isang sweet birthday message ang inihanda ni Carmina Villarroel para sa kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Ngayong January 6 ay ang kaarawan ng kambal na anak nina Carmina at Zoren Legaspi.
PHOTO SOURCE: @mina_villarroel
Sa isang Instagram post ni Carmina, ipinakita niya ang inihandang birthday salubong para sa kambal.
Ani Carmina, "Birthday salubong of our wonderful twins @mavylegaspi and @cassy Happy Birthday!"
Saad pa ng Sarap, 'Di Ba? host, proud siya kina Mavy at Cassy at lagi raw siyang susuporta sa mga ito.
"We are so proud of you guys! We always thank the LORD for giving us such good and respectful kids. Always remember that we are here for you guys. We love you so so much! Enjoy your special day!"
Happy birthday, Mavy and Cassy!
Samantala, abangan ang kanilang exciting na birthday episode sa Sarap, 'Di Ba? ngayong January 7, 10:00 a.m. sa GMA Network.
BALIKAN ANG ILANG PHOTOS AT ACHIEVEMENTS NINA MAVY AT CASSY: