
Idinaan sa isang Instagram post ng batikang komedyante at Eat Bulaga host na si Joey de Leon ang kanyang pagbati para sa kaarawan ng kanyang anak na si Keempee de Leon.
Sa naturang post, makikita ang isang throwback photo ni Joey de Leon kasama ang kanyang mga anak kabilang si Keempee.
“Happy Birthday today to my Elvis Presley, JOSEPH JOACHIM! From your pride-- -Jacinda Myrtle, Jocas Eightria, Jako Raphaelle, Jio Sebastiean and the rest of Starzan's neighborhood! Keep on roaring! @kimpster888,” pagbati ni Joey.
Sa hiwalay na post, ibinahagi rin ni Joey ang larawan niya kasama si Keempee at si Asia's Multimedia Star Alden Richards na nagdiwang din ng kanyang kaarawan nito lamang January 2.
“I AM MEMORICH. Here with two of my January-born KINGS--- King Richard DE LEON-HEARTED and @kimpster888 , ka-birthday today of The King of Rock & Roll! Long live the Kings!,” ani Joey.
Sa comments section ng nasabing post, agad ding bumati ang asawa ni Joey na si Eileen Macapagal-de Leon
“Happy Birthday @kimpster888 ! We love you,” saad ni Eileen.
Si Keempee ay anak ni Joey sa batikang aktres na si Daria Ramirez.
Samantala napapanood naman si Joey sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.
KILALANIN ANG MGA ANAK NI JOEY DE LEON SA GALLERY NA ITO: