GMA Logo Dina Bonnevie Danica Sotto and Jean-Luc
Courtesy: dinabonnevie (IG)
Celebrity Life

Dina Bonnevie meets newest apo, Jean-Luc Sotto Pingris

By EJ Chua
Published January 18, 2023 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Dina Bonnevie Danica Sotto and Jean-Luc


Dina Bonnevie, binisita ang kaniyang bagong apo kay Danica Sotto-Pingris na si baby Jean-Luc.

Trending ngayon sa social media ang larawan ng aktres na si Dina Bonnevie habang kasama ang kaniyang bagong apo sa kaniyang anak na si Danica Sotto-Pingris.

Kakabit ng post ni Dina ay ang pagbati mula sa kaniyang mga kaibigan sa show business.

Isa na rito ang director at former Start-Up PH actress na si Gina Alajar na isa ring proud lola sa kaniyang mga apo.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 17, 600 likes ang mga larawang ibinahagi ni Dina sa kaniyang Instagram account.

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)

Bago pa ito, ang ama ni Danica na si Vic Sotto, ang asawa nito na si Pauleen Luna, at ang kanilang anak na si Tali, ay nakatagpo na rin ang bagong miyembro ng kanilang growing family na si baby Jean-Luc.

Inanunsyo ni Danica at ng kaniyang asawa na si Marc Pingris sa pamamagitan ng social media posts noong January 15 na isinilang na ang kanilang pangatlong anak na si baby Jean-Luc.

Ayon sa caption ni Danica, “All glory, praise, and honor to God! Grateful for a smooth and safe delivery. Our hearts are filled with so much joy! Still feels so surreal. Can't believe he's finally in my arms. Thank you to those who prayed and believed with us.”

A post shared by Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)

Mababasa naman sa caption ni Marc sa kaniyang IG post, “Lord, thank you! Gabayan n'yo po ako na mapalaki sila ng maayos at gabayan mo ko Lord sa lahat lahat ng bagay na gagawin ko para sa pamilya ko. Salamat at maayos na nanganak si Danica, salamat po Ama! Welcome to the world, Jean-Luc Pingris! Love you! Thank you sa mga kaibigan at family namin ni Danica.”

A post shared by Marc Pingris (@jeanmarc15)

Bukod sa kanilang bagong baby na si Jean-Luc, mayroong dalawang anak ang celebrity couple na sila Danica at Marc, sila sina Jean Michel at Anielle Micaela.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG APO NI BOSSING VIC SOTTO SA GALLERY SA IBABA: