GMA Logo lovely abella
Source: lovelyabella_/IG
Celebrity Life

Lovely Abella, sobrang tuwa nang marinig ang heartbeat ng kanilang 'miracle baby'

By Jansen Ramos
Published February 4, 2023 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

lovely abella


Nabuhayan ng loob si Lovely Abella nang madinig ang heartbeat ng unang anak nila ng asawa niyang si Benj Manalo.

Abot-abot ang pasasalamat ni Lovely Abella sa Panginoon dahil sa development ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan.

Ayon kay Lovely, halos mawalan na siya ng pag-asa dahil maaaring maging blighted ovum ang kanyang pagbubuntis o ang paghinto ng development o hindi pagbuo ng embryo.

Nabuhayan naman ng loob si Lovely at asawa niyang si Benj Manalo nang magkaroon ng heartbeat ang kanilang baby, matapos ang dalawang linggong paghihintay at iba pang mga pagsubok gaya ng COVID-19.

Bahagi niya, "Lord napakabuti mo salamat po, 2 weeks kaming nag antay na kahit sumilip lang siya sa amin, dahil pwede pala na maging Blighted Ovum (bugok na pagbubuntis) grabe sa halos 1 week na natira sa pag aantay namin, lahat ng pwedeng isipin maiisip ko na ata, pero yung pagkapit namin kay Lord ang hindi mawala.

"Kung ano man ang plano niya sa buhay namin dahil 'yun ang tinadhana niya sa amin, at kahit masaktan pa kami tatanggapin namin lalo na nung oras din na nabuntis ako heto yung nagkacovid ako, kaya dami ko naiisip."

Para kay Lovely, isa itong "miracle baby" sa tagal na nilang naghihintay magkaroon ng anak.

Tatlong taon nilang sinubukan ni Benj magkaanak, pero ngayon lamang January 2023 nagpositibo ang kanilang pagbubuntis. Labinlimang taon na ang nakalilipas nang isilang ni Lovely ang unang anak niya na si Crisha Kaye.

Sa bagong milestone na ito sa kanyang buhay, lalong tumaas ang pananampalataya ni Lovely sa Diyos.

Nagpasalamat din siya sa mga taong sinamahan siyang magdasal para sa kanyang pagbubuntis.

"Prayers work talaga daming nagdasal para sa amin, Pastors and Friends from our victory church, Family and Friends at kahit nga mga nakapanood at zuki namin pinagdasal kami walang impossible pag saknya lang kayo kakapit.

"'Di na namin hawak ang heartbeat ni baby, pero heto nga talagang binigay niya sa amin, at gusto ko magcelebrate kasama kayo by posting this. Salamat sa Prayers ninyo ."

Nagbigay din ng mensahe si Lovely sa mga tulad niyang hirap ding magkaanak.

"At kung kayo din ay isa sa nagdadasal ng Miracle baby, in His time ibibigay ni Lord

"Wag kayong mainip, wag kayong mapagod dahil itinadhana niya ang buhay na para sa inyo."

Dugtong pa niya, "Godbless everyone Congrats Baby lalo na naman akong magiging spoiled nito @benj #hanashnilovely"

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

"Best wedding anniversary gift" kung ituring nina Lovely at Benj ang kanilang pagbubuntis. Ikinasal sila noong January 2021.

NARITO ANG IBA PANG MILESTONES SA BUHAY NINA LOVELY AT BENJ: