
Ipinahayag ni Rochelle Pangilinan ang kanyang pagmamahal para sa fourth birthday ng kanyang anak na si Shiloh.
Si Shiloh ay ang 4-year-old daughter nina Rochelle at Arthur Solinap.
PHOTO SOURCE: @rochellepangilinan
Saad ni Rochelle, "For my unica hija, 4 yrs old ka na!"
Ayon pa sa Mga Lihim ni Urduja star, "Napakahirap namang isipin na isang araw hindi na kita mayayakap habang buhat ka, titigan habang natutulog ka kasi may sarili ka nang kwarto, kasama sa loob ng cr para paliguan ka, sabay tayo matulog sa gabi at hapon, yung lagi mo kong hinahanap bago matulog, kasi natutulog ka sa ibabaw ko kahit hirap akong huminga."
Binalikan rin ni Rochelle ang ilang sweet moments nila ni Shiloh.
Ani Rochelle, "Kapag galing akong trabaho sinasalubong mo ko ng “Mommy! You are home!” na parang ilang taon tayong hindi nagkita kahit isang araw lang naman. Kahit anong pagod ko nawawala. Yung sayaw at kanta mo na kahit anong oras ko sabihin gagawin mo."
Ngayong four years old na si Shiloh, nakikita niya na ang bilis ng paglaki ng kanilang unica hija.
"4th birthday mo na! Pwede ko sabihin sa mundo na “teka lang!” Ngayon, nagdedecide ka na kung anong kulay ang gusto mo isuot, anong style,hindi na ako. May mga oras o araw na hindi ka na sumusunod sa amin ni Daddy mo. May sarili ka na desisyon.. wooooh!
Sabi nila… Ganun daw talaga. Lumalaki ka na.. kaming magasawa ang naiwan sa “baby ka pa”. Pero para sa amin habang buhay ay baby ka pa din."
Sa huli ay inilahad ni Rochelle ang pagmamahal sa kanyang anak.
"Mahal na mahal ka namin anak. Lagi mo kaming ikiss ha. Kahit tumanda ka na. Sana mabasa mo to pagtanda mo. Happy birthday anak. @shilohjayne"
Happy birthday, Shiloh!
SAMANTALA, BALIKAN ANG CUTE PHOTOS NG SOLINAP FAMILY: