
Nagsisimula na raw si Kapuso actor at Sparkle star Juancho Trivino sa pagdating ng second baby nila ng asawa at kapwa Kapuso star na si Joyce Pring.
Kasalukuyang 34 weeks pregnant si Joyce kaya naghahanda na raw silang mag-asawa para sa nalalapit na panganganak nito.
"Lahat ng makakaya naming gawin as of now pa lang, ginagawa na namin like 'yung hospital bag niya saka siyempre all the leaves at saka 'yung mga advanced na materials that we need to shoot para tuloy tuloy pa rin yung social media namin kahti nagpapahinga siya," kuwento ni Juancho.
May halong kaunting kaba raw para kay Juancho ang napipinto siyang pagiging father of two.
"Trying to gather myself pa lang. Sinabi sa'kin ng mentor ko na kapag isa pa lang 'yung anak n'yo, two on one kayo. Pero 'pag dalawa na, man to man na 'yan," bahagi ng aktor.
Samantala, isa pang Kapuso actor ang naghahanda sa isang bagong milestone sa kanyang buhay.
In less than 10 months, ikakasala na si Sparkle star Benjamin Alves sa kanyang non-showbiz partner na si Chelsea Robato.
Sa ngayon, hindi raw niya nararamdaman ang stress ng wedding preparations.
"It's getting nearer. I'm not stressed at all. Me and Chelsea both know it's a journey to get there. Ako naman my only objective is one, she's happy and it's her day, and then also to honor her mom and my mom's requests, the family's requests," kuwento ni Benjamin.
Hindi pa rin daw nila napapagdesisynan kung gaano kalaki ang magiging wedding at reception nila.
"We'll see. I want to invite as many people as I can. Big or small, it doesn't matter. Our only concern is that everyone that attends, we know. Whatever the number is, hopefully, it's a low number, but as long as we know them, they're okay," bahagi niya.
Panoorin ang buong panayam kina Juancho Trivino at Benjamin Alves sa 24 Oras sa video sa itaas.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG SWEET MOMENTS NG MGA CELEBRITIES SA KANILANG HONEYMOON SA GALLERY NA ITO: