GMA Logo kim chiu
Courtesy: chinitaprincess (IG)
Celebrity Life

Kim Chiu flexes her basahan-inspired outfit; Megan Young has a comment

By EJ Chua
Published July 6, 2023 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Opposition solons urge Marcos to certify anti-dynasty bill as urgent
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry Finals 

Article Inside Page


Showbiz News

kim chiu


Kim Chiu sa kanyang unique OOTD: “Basura man sa inyong paningin, may magmamahal din…”

Angat na angat ang kagandahan ng It's Showtime host na si Kim Chiu sa kanyang kakaibang kasuotan na ibinahagi niya kamakailan lang sa social media.

Sa kanyang Instagram account, makikitang proud na proud si Kim sa pag-flex ng kanyang basahan-inspired outfit na gawang Pinoy.

Kakabit ng mga larawan ng host at actress ay ang kanyang caption na, “Basahan at retaso. Basura man sa inyong paningin, may magmamahal at magmamahal din [heart emoji]."

Dagdag pa niya, "Category is 'panlinis' Avant Garde…"

Kasunod nito, pinasalamatan niya ang mga tao sa likod ng kanyang unique OOTD.

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Ang fans at followers ni Kim ay napa-react sa kanyang stunning looks.

Biro ng netizen na si iammarygraceb, "Kaya nawala basahan na sinampay ko sa labas na sa'yo pala hahaha charriz. So pretty Kimmy ang expensive ng basahan."

Bukod sa kanila, napa-comment din ang Miss World Philippines 2013 at Royal Blood star na si Megan Young.

Samantala, bukod sa pagiging host at actress, si Kim Chiu ay ang real-life girlfriend ng Hearts on Ice actor na si Xian Lim.

SILIPIN ANG STUNNING AT SEXY LOOKS NI KIM CHIU SA GALLERY SA IBABA: