
Maraming netizens ang napa-wow sa outfit ng Kapuso actor na si Mike Tan sa katatapos lang na GMA Gala 2024.
Sa nasabing event, rumampa si Mike sa red carpet suot ang white long tail tuxedo, pero imbes na pants, isang black shorts ang ipinares ng aktor sa kaniyang suit.
Ang kakaibang fashion style ni Mike, labis na ikinatuwa ng kaniyang fans at maraming netizens.
@gmapublicaffairs Mike Tan! 🔥 Normalize shorts sa red carpet, bagay! #GMAGala2024 ♬ 原聲 - IMZ1 | GIRLS BAND
“Omg Mike Tan, ove it ang ganda ng outfit,” komento ng isang fan sa video ni Mike sa red carpet ng GMA Gala 2024.
“Oooowwww. Ganda ng outfit ni Mike Tan,” dagdag ng isa pang fan.
“Love it! Fashion forward kudos to the stylist and designer,” komento ng isang netizen.
“Iba rin karisma mo lods pang-oppa [kiss emoji] High School pa lang ako lods na kita. Wala ka pa rin kupas pogi pa rin,” komento pa ng isang avid fan.
Samantala, balikan ang iba pang GMA Gala 2024 outfits sa gallery na ito: