GMA Logo Dennis Trillo
Source: dennistrillo/IG
Celebrity Life

Dennis Trillo, inspirasyon si Carlos Yulo sa kaniyang Disneyland outfit

By Kristian Eric Javier
Published October 15, 2024 1:21 PM PHT
Updated October 15, 2024 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Kailan at paano nga ba nauso ang pagsusuot ng crop top para sa mga lalaki? Alamin dito.

Kamakailan lang ay dinala ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang mga anak sa Disneyland. Ayon sa aktor, ito na ang second time ng bunso nilang anak na si Dylan, pero mas na-appreciate nito ngayon ang kilalang "Happiest Place on Earth".

“Mas na-a-appreciate na niya ngayon kasi talagang nag-e-explore siya e, gusto niyang magtatatakbo, gusto niyang mag-discover ng mga bagong...kilala na niya 'yung mga characters, pamilyar na siya sa mga nakikita niya,” sabi ni Dennis sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong Lunes, October 14.

Habang nasa Disneyland ay nag-channel rin si Dennis ng kaniyang Yuta Saitoh role mula sa hit historical drama series na Pulang Araw. Nag-change costume rin siya at gumala sa parke suot ang isang crop top. Maging sa pagpunta niya sa set ng kanilang serye at naka-crop top din ang Kapuso Drama King.

Ayon sa aktor, Dennis Trill-Yulo ang persona niya sa Disneyland.

Sa isang post pa niya sa Instagram kung saan makikita si Dennis na naka-crop top kasama ang dalawang staff na naka-crop top din, ay bumati ang aktor ng “Hello mga Kapusod!”

Komento naman ni Jennylyn sa kaniyang post, “Naghalungkat ka nanaman ng closet ko! Ibalik mo yan ha?”

Sinagot rin ni Dennis ang kaniyang asawa na gusto lang naman niyang hiramin ang damit nito.

Source: dennistrillo/IG

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Ngunit hindi lang si Dennis ang celebrity actor na nagsuot kamakailan lang ng crop top dahil maging ang kaniyang Green Bones co-star na si Ruru Madrid, Double Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, at maging ang Status by Sparkle content creator na si Bont Bryan ay nagsuot rin ng nasabing usong damit.

TINGNAN ANG MALE CELEBRITIES NA NAGSUOT NA RIN NG CROP TOP SA GALLERY NA ITO:

Ayon sa hiwalay na interview ni Nelson kay Bont, isang dahilan kung bakit siya nagsusuot ng crop top ay dahil ayaw niyang malimitahan ang kakayahan ng mga kalalakihan na magsuot ng kung ano ang gusto nila.

“Kasi puwede naman talaga as long as masaya kami at gusto namin 'yung sinusuot namin,” sabi niya.

Ayon sa report ni Nelson, noong 1940s pa nauso ang crop top dahil sa kakulangan ng rasyon ng tela dahil sa World War II. Naging worldwide fashion trend naman ito noon dekada '80 kung saan iba't ibang boy bands ang nagsuot ng crop top.

Ngayon, kasama na ulit ito sa daily fit ng mga kalalakihan.

Sabi naman ng stylist na si Gee Jocson, maaaring isa sa mga dahilan kung bakit nauso ang pagsuot ng crop top ay dahil sa dating miyembro ng boyband na One Direction na si Harry Styles. Aniya, madalas nakikita si Harry na naka-feminine silhouette.

“Kung ano ang nagpapasaya sa'yo, suotin mo. Kasi maikli lang naman ang life,” sabi ni Gee.

Panoorin ang buong panayam kay Dennis dito: