Darren Espanto, napunit ang pantalon habang nagpe-perform sa Qatar

GMA Logo Anne Curtis Marian Rivera Solenn Heussaff
@darrenespanto on Instagram

Photo Inside Page


Photos

Anne Curtis Marian Rivera Solenn Heussaff



Isa sa hindi malilimutang performances ni Darren Espanto ang kanyang dance number sa Qatar.

Naging viral ito kamakailan sa social media dahil sa gitna ng kanyang pagpe-perform ay napunit ang kanyang puting pants.

Sa media conference ng pelikulang When I Met You in Tokyo nitong Huwebes, December 14, ikinuwento ni Darren ang pangyayaring ito.

“Sa aking opening number sa third song, dahil doon sa dance steps, napunit yung pantalon ko. It was split in half. Buti na lang yung pantalon ko puti rin, wala namang masyadong nahalata.”

Ayon kay Darren, normal lang na maranasan ito ng isang performer lalo pa kung live show.

Aniya, “For me, it was a moment I feel like every performer has to go through. Hindi ko rin nasubukang sumayaw with those pants. Na-fit ko lang yung pants pero doon ko lang nalaman na hindi siya built for dancing.”

Dagdag pa niya, “I've heard a lot of stories of ripped pants at saka mostly sa costume changes din mayroon wardrobe malfunction. Nasubukan ko na rin yung hindi ako nakapasok sa isang gap dahil hindi ako nakapagbihis agad.

“It happens kapag live shows, lalo na kapag sa TV. You just have to be professional about it.”

“The show must go on,” ika nga, kaya naman agad ding nagpalit si Darren ng kanyang pantalon.

“Pinahawak ko yung mic sa isang kasama habang nagpapalit ako sa backstage kasi isang medley po yung. Bumalik po ako sa stage na iba na yung pantalon ko.”

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG ARTISTANG NAKARANAS NG WARDROBE MALFUNCTION:


Solenn Heussaff
Sugar Mercado
James Blanco
Anne Curtis
Marian Rivera
Bruno Gabriel
Jehza Huelar
Angela Yagaya
Denise Barbacena
Darren Espanto

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025