Colorful crochet and knitted tops worn by celebrities

Bukod sa cargo at baggy pants na nauuso ngayon, in na in din ngayon--lalo na ng mga kabataan--ang pagsusuot ng mga damit na gawa sa crochet.
May iba't ibang design at kulay din kasi ang mga crochet top, gaya ng butterfly pattern, diamond, at may striped polos pa para sa mga lalaki.
Sa katunayan, maging sa mga celebrity ay patok din ngayon ang pagsusuot ng crochet at knitted tops.
Kung naghahanap ka ng inspiration para sa'yong crochet outfit, narito ang ilan sa mga celebrity na nagsuot na ng crochet tops.















