Celebrity Life

WATCH: Kyline Alcantara, ipinasilip kung paano gawin ang kanyang paandar hairstyles

By Marah Ruiz
Published October 11, 2018 10:48 AM PHT
Updated October 11, 2018 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Donnalyn Bartolome, magpapaalam na sa vlogging: 'That is my gift to myself'
DTI: Damaged roads in Davao Occ. taking heavy toll on MSMEs
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Paano nakakatulong kay Kyline Alcantara ang kanyang mga kakaibang hair accessories sa kanyang pag-internalize ng kanyang mga gagawin? Panoorin mo ito.

Linggo-linggong hinihintay ang mga kakaibang hairstyles ni Kapuso teen star Kyline Alcantara.

Bukod kasi sa pagkulot o pag-braid ng kanyang buhok, nilalagyan pa ito ng kanyang glam team ng iba't ibang mga accesories tulad ng chains at charms.

"Gusto kong mag-explore, kumbaga. Sa pamamagitan ng makeup, I can explore and makikita 'yung creativity ng team ko. I love how creative and how much of a risk taker my team is," pahayag ni Kyline.

Nakakatulong din daw ang mga kakaibang hair accesories nito sa kanyang pag-internalize ng kanyang mga gagawin.

"'Yun na rin 'yung nagbibigay ng extra attitude sa 'yo. Halimbawa may ribbon ka, it means sweet ka or something. Kapag may chain ka, ibig sabihin edgy," aniya.

Ipinasilip din niya kung paano gawin ang isa sa kanyang mga hairstyles. Silipin ito sa buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: