
Hinangaan ng netizens ang mapang-akit na mga larawang ibinahagi ni Liezel Lopez sa Instagram.
Noong Martes, September 28, ibinahagi ni Liezel ang mga larawan niya mula sa isang photo shoot kung saan nakasuot siya ng silver sequined dress. Kapansin-pansin din ang maikling buhok nito at bangs.
"Femme Fatale," caption ng aktres, habang "Bad lil vibe" naman ang isinulat nito sa isa pang post.
"Tapos na po laban," pagbabahagi ni @davequiabao.
"Black hair on you... too powerful," paghanga ni @ donnagy.
"Ang hot naman po grabe," dagdag pa ni @itsmemarpez.
"Hahaha! The Britney of the Philippines," biro naman ni @crushbenten.
Noong August, ibinahagi rin ni Liezel ang fairy tale-themed photo shoot niya kung saan nakasuot ito ng off-shoulder pink gown.
Samantala, tignan sa gallery na ito ang magagandang larawan ni Kapuso actress Liezel Lopez: