GMA Logo kim atienza
PHOTO COURTESY: GMA Public Affairs (Youtube)
Celebrity Life

Kuya Kim Atienza reveals the meaning of his rings

By Dianne Mariano
Published June 9, 2022 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bureau of Customs dialogue and delivery rollout of abandoned balikbayan boxes (Dec. 18, 2025) | GMA Integrated News
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

kim atienza


Ano kaya ang kahulugan ng bawat singsing na suot ni Kuya Kim Atienza?

Marami ang nakakapansin na mayroong iba't ibang suot na mga singsing ang Kapuso television host na si Kuya Kim Atienza.

Sa episode ng Dapat Alam Mo!, ibinahagi ng Kuya ng Bayan ang rason kung bakit siya maraming suot na rings at ang mga kahulugan nito.

“Talagang nakagiliwan ko na magsuot ng mga ganitong singsing. Ang tawag sa mga singsing na ito ay bikers rings,”pagbabahagi niya.

Unang ipinakita ni Kuya Kim ang kanyang EuroMonkeys ring dahil kabilang siya sa isang motorcycle club.

Wika niya, “Kabilang ako sa isang grupo ng nagmo-motor, isang motorcycle club, kung saan kabilang si Dingdong Dantes. Ang imahe ng singsing na ito ay image ng isang monkey.”

PHOTO COURTESY: GMA Public Affairs (YouTube)

Sunod naman na ipinakita ng Dapat Alam Mo! host ay ang singsing nito na mayroong imahe ng Japanese superhero na si Ultraman. Aniya, “Bakit naman si Ultraman? Ako po ang boses ni Ultraman.”

PHOTO COURTESY: GMA Public Affairs (YouTube)

Bukod dito, mayroon din siyang singsing na sumisimbolo kay Jesus Christ upang laging niyang matatandaan ang kanyang Lord at Savior.

Kuwento pa ni Kuya Kim, “I am a Christian biker. So whenever I ride, I ride to glorify my Lord and my Savior.”

PHOTO COURTESY: GMA Public Affairs (YouTube)

Sa lahat ng kanyang mga singsing, ang pinaka-importante raw para kay Kuya Kim ay ang wedding ring nito. Nitong March, ipinagdiwang nina Kuya Kim at ng kanyang asawa na si Felicia ang kanilang 20th anniversary.

Saad niya, “The best decision I ever made in my life and the best thing that ever happened to me was to marry my wife, Feli, and to start our family of five.”

PHOTO COURTESY: GMA Public Affairs (YouTube)

Panoorin ang buong Dapat Alam Mo! report sa video na ito.

Samantala, kilalanin si Kuya Kim Atienza sa gallery na ito.