
Blooming and perfectly healthy ang Kapuso actress na si Cassy Legaspi ngayong 2025.
Kitang-kita sa kanyang Tiktok videos and Instagram posts ang kanyang confidence and natural beauty. Maraming fans ang humanga sa Sparkle star nang sumabak siya sa Latina makeup challenge at sa kanyang Valentine's Day photoshoot.
Ngunit hindi lamang ang kanyang glow-up beauty ang ipinagmamalaki ngayon ni Cassy.
Sa isang panayam kay Nelson Canlas, ibinahagi ni Cassy ang kanyang bagong health achievement.
"I lost 30 pounds," aniya. "Grabe 'yung 30 pounds na iyan."
Ang kanyang tagumpay ay bunga ng kanyang mga pagsubok sa pagpapayat, lalo na't may kondisyon siyang hypothyroidism na nakaapekto sa kanyang overall health. Dahil dito, mas naging disiplinado si Cassy sa kanyang fitness journey.
Kaya naman labis ang disiplina ni Cassy na maging healthy and fit.
"Nagpa-check up na ako and then talagang change lifestyle," pahayag niya. "In terms of diet, kailangan talaga itiyaga but at the same time hindi pwede mag-calorie counting masyado. Dapat sakto lang, saktong amount. The types of food din that I eat."
Suportado ng buong Legaspi family ang fitness journey ni Cassy. Madalas din sila sumasabay sa kanyang workout sessions.
"That's our bonding. Actually, it does. Parang two in one na siya na since I don't get to see my family as we much all love work and all of that, parang iyan na 'yung bonding namin, nag gi-gym kami," ani Cassy.
Kamakailan lang, nagbigay-saya ang Sparkle star sa bagong episode ng Daig Kayo ng Lola Ko kasama sina Kate Valdez at iba pang Kapuso stars. Marami rin dapat abangan ang Kapuso fans na upcoming projects at performances ni Cassy ngayong taon.
Samantala, tingnan ang stunning photos ni Cassy Legaspi: