Celebrity Life

Barbie Forteza on fitness goals: 'You just have to start'

By Marah Ruiz
Published April 14, 2025 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Para kay Barbie Forteza, isa sa pinakamahirap na hakbang ng fitness journey ang simulan ito.

Nahilig sa running bilang isang sport at exercise si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.

Maraming magandang naidudulot ang pagtakbo sa physical at mental well-being ng aktres.

Bukod dito, nagagamit din niya ito para sa makatulong sa kayang kapwa.

Naging bahagi si Barbie ng charity fun run ng Save the Children Philippines kung saan isa siyang ambassador.

Nakatakbo siya ng 10 kilometers sa loob ng isang oras at 15 minuto.

Kaya naman hinihikayat ni Barbie ang kanyang mga tagahanga na mag-ehersisyo at sumubok ng sports.

Batid din niyang isa sa pinakamahirap at pinakamahalagang hakbang ng fitness journey ng isang tao ang simulan ito.

"You just have to want it and you just have to start whatever it is. Whatever type of fitness activity that you want to do, either gym or takbo or any type of sport, you just have to start. You just have to begin," lahad ni Barbie.

Kasama ni Barbie sa charity fun run ang ilang pang Kapuso stars na may kanya-kanya ring fitness goals.

Isa na diyan si beauty queen and actress Rabiya Mateo na nahilig din sa running.

"Before I make a decision, I run muna kasi it gives me a lot of options, to think kung ano ba talaga 'yung pinakamagandang magiging desisyon ko sa buhay," bahagi niya.

Family bonding activity naman daw ang pag-e-ehersisyon para kay actress and celebrity mom Camille Prats.

"For me, it's just to really have fun while staying fit. Siyempre 'pag kasama mo 'yung pamilya mo, mas ma-e-enjoy mo siya. It's nice to start them young kasi," aniya.

Strict naman daw si Star of the New Gen Jillian Ward sa kanyang workout routines.

"Everyday, may ginagawa akong exercise. Minsan nagbi-brishk walking ako, minsan po strict training, madalas dance class. Basta lagi akong nagwo-workout," paliwanag niya.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.