
Ngayong Summer, hindi nagpahuli sa pagiging fitspiration ang SLAY hunk actors na sina Derrick Monasterio, Royce Cabrera, Nikki Co, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
Sumabay sa init ng panahon ang sizzling beach photos ni Derrick kung saan naka-flex ang kanyang toned body.
Ipinapakita rin ni Derrick sa kanyang social media accounts ang pagiging seryoso nito pagdating sa pagwo-workout.
Bukod kay Derrick, hindi rin pahuhuli sa pagiging fitspiration si Royce Cabrera kung saan kamakailan lamang ay ipinakita nito ang pagkasa sa isang push up challenge.
Maging si Nikki Co ay hindi nagpahuli sa kanyang topless beach photos kung saan kitang-kita ang kanyang pagiging fit.
Sa kanyang social media accounts, bukod sa pagwo-workout ay ibinabahagi ni Nikki ang hilig sa pagba-basketball.
Samantala, cardio is life na para kay Jay Ortega na timeout na muna ngayon sa weights dahil sa isang injury.
"'Yung left knee ko kasi nagkaroon ako ng MCL (Medial Collateral Ligament) way before tapos hindi na ako makapagbuhat nang maayos sa gym. So, sabi ko kailangan ko ng bagong workout routine. I tried running tapos nagugustuhan ko siya," kuwento ni Jay sa interview ni Nelson Canlas ng 24 Oras.
Habang si Gil Cuerva naman ay pinag-aaralan ang judo.
Abangan sina Derrick, Royce, Nikki, Jay, at Gil sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: