Jak Roberto, ibinida ang six-pack abs sa Bohol

Kasalukuyang nasa Bohol si Kapuso actor Jak Roberto magbaksyon ngayong Holy Week, kasama ang girlfriend at kapwa Kapuso na si Barbie Forteza.
Sa kanyang social media accounts, ipinakita ni Jak ng ilang pictures mula sa kanyang bakasyon kung saan mas kitang-kita na ang kanyang six-pack abs..
Matatandaang noong nakaraang buwan, nagbahagi ang aktor ng kanyang fitness progress.
Makikita sa kanyang post na matapos ang dalawang buwan ng training sa ilalim ng bodybuilder at fitness coach na si Mado Tamayo, nakapagbawas si Jak ng timbang at naging mas pronounced pa ang kanyang abs.
Kitang-kita naman ang resulta ng kanyang disiplina sa mga litrato niya habang nagbabakasyon sa Bohol.
Silipin ang bakasyon ni Jak Roberto ngayong Holy Week sa Bohol sa gallery na ito:









