Priscilla Meirelles' fitness transformation

Kapansin-pansin ang fitness transformation ngayon ng Brazilian model at actress na si Priscilla Meirelles.
Sa interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Priscilla na marami siyang pinagdaanan sa loob ng nakaraang dalawang taon, at isa sa kanyang naging realizations ay ang bumalik sa dating siya.
Dahil na rin sa pinagdaanang health condition, natutunan niyang mas pahalagahan ang kanyang kalusugan at pangangatawan.
Alamin ang naging weight loss journey ni Priscilla Meirelles sa gallery na ito:









