
Isa si Kapuso actress Jennylyn Mercado sa masasabing celebrity #fitspiration.
Bukod sa pagpi-pilates, mahilig din siyang mag-jogging, at isang ganap na triathlete.
Kaya naman sa kaniyang upcoming YouTube channel, may bagong ibabahagi ang RomCom Queen sa kaniyang fans na dapat daw abangan - ang kaniyang jiu-jitsu training.
Aniya, “Gumawa kami ng YouTube channel tapos marami kaming mga topics.
“Basta! Abangan nila kasi masaya talaga siya para sa mga fans at Kapuso natin diyan.”
Jennylyn Mercado confirms creating her own YouTube channel
Maliban sa kaniyang YouTube channel, nagsisilbing paghahanda rin ito para sa kaniyang bagong role sa GMA Telebabad series na Love You Two.
Gaganap si Jennylyn bilang si Raffy kung saan makakatambal niya sa unang pagkakataon si Gabby Concepcion.
Panuorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel:
Mapapanuod na ang Love You Two simula sa Lunes, April 22, pagkatapos ng Sahaya.
A love triangle like no other: “Love You Two” premieres this April 22 on GMA Telebabad
IN PHOTOS: Celebrities who are also YouTube stars