
Matapos ipatupad ng gobyerno ang "community quarantine" sa buong Metro Manila last March 15, dahil sa banta ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19), marami sa ating mga kababayan ang pinili na magkulong sa bahay para makaiwas sa sakit.
IN PHOTOS: Flash those sexy abs, Jak Roberto!
Pero sa halip magmukmok sa kanilang bahay, mas pinili ng Kapuso actor na si Jak Roberto na mag-workout.
Certified hot ang photo ng Bubble Gang star na ipinasilip ang kanyang ripped body online.
Sa Instagram post nga ni Jak, sinabi nito na ang "the best cure" para sa COVID-19 ang panatilihin ang kanyang healthy lifestyle.
Umani ng positive comments ang post ng Kapuso actor na umabot din mahigit sa 46,000 likes ang kanyang post.
May biro naman ang dati niyang co-star sa Meant To Be na si Addy Raj sa topless photo ni Jak.