GMA Logo Iya Villania
Celebrity Life

Iya Villania, nilinaw na safe at aprubado ng doktor ang kanyang workout kahit buntis

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 26, 2020 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NTF-ELCAC rejects claims P8-B barangay allocation is ‘discretionary fund’
‘Panunuluyan’ blends timeless tale of faith with PH heritage
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania


Nilinaw ni Iya Villania na safe at aprubado ng doctor ang kanyang ginagawang pagwo-workout kahit na siya ay 8-buwan nang buntis.

Nilinaw ng Kapuso host na si Iya Villania na safe ang kanyang ginagawang pag-e-exercise kahit na siya ay 8-buwang buntis.

Iya Villania shows workout routine with her almost 8-month baby bump

Sa 24 Oras kung saan si Iya rin ang Chika Minute host, ipinaliwanag niya na ginagawa niya ang pag-e-exercise para maging healthy silang dalawa ng kanyang baby.

Paliwanag niya, “Ako naman po, tuloy-tuloy pa rin ang home workout ko kahit halos na pa-eight months na ako.

“At alam niyo naman na working out has never been anything new to me, kahit na nung pagbubuntis ko kay Primo at kay Leon.

“I have been very lucky. Sa condition ko, pinayagan ako ng OB ko na ipagpatuloy ko ang pagwo-workout ko.

“Para sa mga ibang preggy moms diyan, alam ko na hindi tayo lahat na same condition kaya kailangan talaga may clearance from your doctor.”

Ayon kay Iya, ang exercise na ginagawa niya ay para makaiwas sa sobrang weight gain.

“Kahit anong gawin ko, talagang mag-ge-gain talaga ako ng weight. Ang gusto ko sana mangyari, e, iwasan 'yung sobra-sobrang pag-gain sa aking pagbubuntis dahil pwede mag-lead ito sa komplikasyon,” paglilinaw ni Iya.

Panoorin ang buong pahayag ni Iya sa video na ito:

Celebrities share their bets on the gender of Drew Arellano and Iya Villania's third baby