GMA Logo Will Ashley
Photo: willashley17 (IG)
Celebrity Life

Will Ashley, fitspiration sina Alden Richards at Miguel Tanfelix

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 5, 2022 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


Ano kaya ang #bodygoals ni Will Ashley para sa taong 2022?

Simula noong nagkaroon ng quarantine, marami ang nagulat sa naging body transformation ng 19-year-old Kapuso actor na si Will Ashley.

Mahahalata kasi sa Instagram ni Will na nagkakaroon na siya ng muscles sa katawan dahil sa araw-araw niyang pagwo-work out.

Paglilinaw ni Will, "Ako kaya po ako nagwowork out, sobrang payatin ako, so parang sobrang nagiging bata po ako tingnan. Marami din po kasi nagsasabi na pati 'yung face ko, sobrang bata tingnan kaya hinahabol ko po siya sa body, lalo na po ilang taon na rin po ako."

"Hindi po siya 'yung sobrang pagpapalaki talaga like sobra. Kumbaga, pagpapalaman lang po, 'yung sakto lang sa katawan ko talaga. Ngayon, medyo natutuwa ako kasi meron na siyang improvement."

Dagdag ni Will, na mapapanood bilang Nolan sa Prima Donnas, fitspiration niya ang kapwa Kapuso stars na sina Alden Richards at Miguel Tanfelix.

"Actually, nai-imagine ko siya, 'pag natutulog ako, na-i-imagine ko, 'Ano kayang mangyayari sa body ko in the next years?'

"Tapos nai-imagine ko 'yung body ko na ganun, naiisip ko na magiging ganun 'yung body ko in the future."

Natutuwa rin si Will sa suporta ng mga tao sa kanyang pagwowork out at nakikita niya ito sa mga komento sa kanyang Instagram posts.

Aniya, "Sobrang masaya po ako na marami pong tao talaga na nagsusuporta and nagla-love po. Hindi naman siguro sila maglalaan ng time to comment para lang sa wala, 'di ba? For me it's something special po, e, kaya I'm very happy po na mayroon po silang ganung comments na maganda tungkol sakin."

Tingnan ang naging body transformation ni Will sa mga larawang ito: