
Proud na ibinahagi ng vocalist at guitarist ng sikat na OPM band na Ben&Ben na si Paolo Benjamin Guico ang kanyang naging weight loss journey sa loob ng dalawang taon.
Sa Instagram, ipinost ni Paolo ang kanyang mga larawan kung saan makikita ang malaking pagbabago sa kanyang timbang.
"These pictures represent years of hard work and sacrifice. Today, I just wanted to celebrate this growth with all of you. Thanks for being there to cheer me on at my lowest moments. I hit my goal weight this week, finally," caption niya sa kanyang post.
Sa isang larawan, mapapansin ang toned abs at stretch marks ni Paolo na bunga ng matinding exercise at disiplina na kanyang ginawa na pagpapapayat.
Nagbigay inspirasyon din ang musician para sa mga kagaya niya noon na gustong i-achieve ang kanilang weight goals upang mas maging confident sa sarili.
Aniya,"If you are on a path of growth, do it out of love for yourself and do it for the people you love. Never do it just to please others, because it will never be enough. You are enough.
"You have so much to offer to the world. I know you're working hard. You got this. You're not alone. I'm rooting for you. I'm with you."
Sa huling parte ng kanyang caption, sinabi ni Paolo na masaya siya sa kanyang naging body transformation at proud din siya sa kanyang sarili noon.
"In this picture, I also celebrate my stretch marks. Because they're awesome. I also celebrate my past self, because he's awesome too," ani Paolo.
Samantala, silipin naman ang mga larawan ng ilang celebrities na proud na ibinahagi ang kanilang body transformations sa gallery na ito.