
Naghahanda na ang Kapuso star na si Kristoffer Martin para sa kaniyang kauna-unahang triathlon!
Sa Instagram, ibinahagi ni Kristoffer ang isang video kung saan makikita ang kaniyang ginagawang workout at training para sa nalalapit niyang multisport race.
"And so it begins. # Triathlon #Training" aniya sa kaniyang caption.
Samantala, lubos naman ang saya ng aktor matapos siyang mag-uwi ng medalya mula sa Taktak Cycling Challenge na ginanap noong nakaraang Sabado, December 17 sa Daang Bakal Road, Taktak, Antipolo City.
"FIRST OF MANY. Ang sarap pala magkamedal. Hahaha. Really enjoyed the TakTak100 (kahit 50km lang talaga sinalihan ko). Well organized event. Congraaats team Taktak!" sulat niya sa kaniyang Instagram post.
Sa 2023, bibida si Kristoffer Martin sa upcoming “mega serye” ng GMA Network kasama sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Zoren Legaspi, Jeric Gonzales, Michelle Dee, Rochelle Pangilinan, at Arra San Agustin.
KILALANIN ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA #CERTIFIEDSIKLISTA SA GALLERY NA ITO: