
Abala man ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa shooting ng pelikula nila ni David Licauco na That Kind of Love sa South Korea, hindi nito pinalagpas ang pagkakataon na subukan ang iba't ibang delicacies ng the Land of Morning Calm.
May pasilip ang multi-awarded Sparkle actress sa Instagram nang ilan sa food trip moments niya sa Korea at sabi nito sa caption, “🇰🇷 Purpose of travel : business & pleasure.”
May mga celebrities naman ang napa-react sa katakam-takam na Instagram post ni Barbie tulad nina Miss World 2013 Megan Young at ang vlogger na si Benedict Cua.
Nakatrabaho noon ng Kapuso actress si Benedict sa dati nilang show na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.
Matapos ang high-rating primetime series nila na Maria Clara at Ibarra, napanood muli ang teamup nina Barbie at David sa TV sa kuwento na "Lady & Luke" sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
SILIPIN ANG MGA SWEETEST MOMENTS NG FILAY: