Celebrity Life

WATCH: Kiray Celis, ipinasilip ang kanyang restaurant

By Marah Ruiz
Published June 4, 2019 3:05 PM PHT
Updated June 4, 2019 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mackenyu is coming to Manila for fan meet in August
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod sa pagiging komedyante at aktres, isa rin palang negosyante si Kiray Celis!

Bukod sa pagiging komedyante at aktres, isa rin palang negosyante si Kiray Celis!

 Kiray Celis
Kiray Celis


Isa siya sa mga may-ari ng restaurant na Chicks and Fins na matatagpuan sa Manila. Isang taon na sila in business at may plano na ring magbukas ng isa pang branch this year.

Ayon kay Kiray, pumasok siya sa pagnenegosyo dahil sa pag-uudyok ng kanyang boyfriend.

"Sabi niya kasi para meron daw po akong fallback. Kahit hindi na 'ko artista, meron pa rin akong pupuntahan," kuwento ni Kiray.

Isang tip naman ang ibinahagi niya para sa mga nais mag-negosyo.

"Don't give up. Kasi 'yung iba, 'pag nag-umpisa sila nang ganito tapos hindi nag-click, tumitigil sila. Hindi naman lahat ng business magki-click talaga eh. Hanapin mo kung ano 'yung patok at kung tatagal," aniya.

Panoorin ang feature ng programang Tunay Na Buhay kay Kiray: