
Tampok ang Thai cuisine sa latest vlog nina Kapuso couple Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Sa video na na may pamagat na “Pa-Travel Ke Nemen Jen,” binisita ng dalawa ang iba't ibang restaurants at weekend market sa The Land of Smiles.
Isa na dito ang pagpunta nila sa restaurant ng 73-year-old Michelin Star Chef na si Supinya Junsuta o mas kilala bilang “Jay Fai.”
Ani Dennis, “Isang dahilan kaya kami pumunta dito sa Thailand ay para matikman ang luto ng Michelin-starred street food queen na si Jay Fai.”
Kuwento pa nito, sinubukan nilang mag-book ng seats ngunit puno na raw ang restaurant. Gayunpaman, maari raw silang mag-walk-in kung gusto nila pero kailangan nilang pumunta rito ng maaga.
Halos apat na oras naghintay ang magnobyo bago sila nakaupo sa tampok na hawker restaurant.
At nang matikman ang pagkaing hinanda ng cook, ani Jen, “Worth it naman ang paghihintay.
“Grabe 'yung pagkabusog namin dito sa restaurant ni Jay Fai. Pero happy kami kasi natupad yung isa sa bucket list namin ni Dennis.”
Siyempre hindi rin nila pinalampas ang magpa-picture sa famous cook na tinaguriang “Thailand's Best Cook.”
Panoorin ang vlog nina Dennis at Jennylyn:
WATCH: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo cover “After All” for CoLove
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's “After All” cover reaches 1M views on YouTube