GMA Logo kara david in pinas sarap
What's on TV

Pinas Sarap: Kara David brings "Superfoods" with super powers!

Published April 19, 2020 6:13 PM PHT
Updated August 13, 2021 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Impeachment Trial of VP Sara Duterte - DAY 18 (Aug. 25, 2026) | GMA Regional TV
Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) August 25, 2026 [HD]
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News

kara david in pinas sarap


Ngayong Sabado sa Pinas Sarap, ipatitikim ni Kara David ang kanyang masasarap na recipe na sinangkapan ng malunggay at luya.

Sa gitna ng panganib na dulot ng Corona Virus Disease-2019 o COVID-19, nanawagan ang pamahalaan na tayo ay manatili sa tahanan at palakasin ang pangangatawan.

Alam niyo ba mga Kapuso na may simpleng paraan para palakasin ang ating resistensya at immune system? Ito ay ang pagluluto ng mga putaheng pinasarap at mas pinasustansiya ng mga superfood gaya ng malunggay at luya.

Ngayong Sabado sa Pinas Sarap, ipatitikim ni Kara David ang kanyang masasarap na recipe na sinangkapan ng malunggay at luya gaya ng Suam.

Titikman din natin ang iba pang mga putaheng may malunggay at luya gaya ng Ginisang Agud sa
sardinas, Seafood Binakol.

Ipapaikita rin ni Kara ang mga pag-iingat na kanyang ginagawa kapag kailangan lumabas ng bahay para mamili ng mga pagkain.

Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, Sabado, 4:15PM sa GMA!