GMA Logo Bea Alonzo
Celebrity Life

Bea Alonzo shares new farm-to-table recipe

By EJ Chua
Published April 25, 2022 4:12 PM PHT
Updated May 2, 2022 3:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Bea Alonzo, muling nagpakitang gilas sa pagluluto!

Muling ipinamalas ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kaniyang husay sa pagluluto sa pamamagitan ng isang vlog.

Kapansin-pansin na mas nage-enjoy si Bea tuwing nasa kanilang farm na mas tanyag sa tawag na "Beati Firma." Dito niya isinasagawa ang kaniyang farm-to-table cooking vlogs.

Sa kaniyang latest vlog, mapapanood ang aktres habang ibinabahagi ang kaniyang bagong lulutuin, ang ginataang at minatamis na langka na perfect daw ngayong summer.

Bago magluto, namitas muna siya ng langka sa sarili nilang puno at ibinahagi niya rin kung paano nga ba malalaman kapag hinog na ito at maaari nang pitasin.

Panoorin ang pinakabagong farm-to-table cooking episode ni Bea Alonzo dito:

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 284,000 views ang pinakabagong vlog ni Bea na mapapanood sa kaniyang Youtube channel na mayroon nang 2.5 million subscribers.

Masayang -masaya ang aktres tuwing gagawin niya ang kaniyang cookingg vlogs dahil ang karamihan sa mga ginagamit niyang ingredients ay nakukuha mismo sa loob ng kanilang farm na matatagpuan sa Zambales.

Una nang kinagiliwan ng netizens ang vlog ni Bea habang itinuturo niya kung paano lutuin ang ginataang tilapia habang gamit ang isang palayok.

Bukod sa pagva-vlog, kasalukuyang abala si Bea sa taping para sa GMA's upcoming drama series na Start-Up Ph.

Samantala, tingnan ang most-viewed vlogs ni Bea Alonzo sa gallery na ito: