
Isang espesyal na dish ang inihanda ng vlogger na si Ninong Ry para sa kanyang bisita sa kaniyang vlog na si Bea Alonzo.
Si Bea ay bumisita sa bahay ni Ninong Ry sa Malabon para sa kanilang video collaboration.
Saad ni Ninong Ry sa kaniyang channel, "NATUPAD NA SA WAKAS! BEA ALONZO LANG NAMAN SA LOOB NG KUSINA NI NINONG RY!"
Una ng napanood si Ninong Ry sa YouTube channel ni Bea. Dito binigyan ni Bea ng challenge si Ninong Ry na i-reinvent ang ilang mga leftover food.
Sa channel naman ni Ninong Ry ay naghanda siya ng paella dish para kay Bea dahil nabalitaan raw niyang Spanish resident na si Bea.
PHOTO SOURCE: YouTube: Ninong Ry
Nilinaw naman ni Ninong Ry na ang inihanda niya ay hindi authentic recipe ng paella. Ang niluto niya para kay Bea ay ang kaniyang version ng paella na tinawag niyang Chicken Inasal Paella.
Panoorin ang kanilang video dito:
BALIKAN ANG TRAVEL PHOTOS NI BEA ALONZO SA SPAIN: