GMA Logo kim atienza
Celebrity Life

Kuya Kim Atienza on his health status: 'It's actually my third life'

By Kristian Eric Javier
Published June 24, 2024 5:25 PM PHT
Updated June 25, 2024 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kim atienza


Alamin ang naging health issues noon ni Kuya Kim Atienza at kung paano niya nalagpasan ang mga ito.

Itinuturing ni Kim Atienza na ikatlong buhay na niya ngayon, matapos dumaan sa dalawang health scares.

Sa interview niya kay entertainment at talent manager na si Ogie Diaz, idinetalye ni Kuya Kim ang pinagdaanan niyang health scares, maging ang mga nagpabago at pagbabago na nangyari sa kaniyang buhay simula noon.

“It's actually my third life. Nu'ng 2010, nagkaroon ako ng stroke nu'n. Kaka-resign ko lamang sa Umagang Kay Ganda, that was the second year of Showtime, na-stroke ako,” kuwento ni Kuya Kim.

Dahil sa stroke, hindi siya makapagsalita noon. Dahil dito, inakala niyang tapos na ang karera niya sa TV, lalo na at nakadepende siya sa pagsasalita. Bukod pa rito, nawala rin umano ang memorya niya, at inaming nakalimutan niya ang lahat ng mga kaibigan niya.

“Wala akong memory, nakalimutan ko lahat ng kaibigan ko, mga pangalan niyo nakalimutan ko lahat, nabura ang utak ko,” sabi ng TiktoClock host.

Gayunman, aniya, “Pinagaling ako ni Lord. Ngunit, kahit pinagaling ako ni Lord, naging Born Again ako, physically lamang. Sinabi ko lamang, 'Lord, pagbalik ko rito, magiging napaka-healthy ko.' So I became healthy.”

Ito rin umano ang nag-udyok sa kay Kuya Kim para sumali sa mga marathon at triathlon. Pero pag-amin niya, “Hindi ko pa rin Siya tinatanggap bilang Lord and Savior.”

Matapos ang tatlong taon ay pinagdaanan naman niya ang ikalawang health scare, kung saan na-paralyze siya at hindi maigalaw ang mga kamay at paa.

“Punta ako ng doktor, nilagay ako sa ICU kaagad that same day. Sabi, 'Dahil 'yang paralysis mo, mabilis 'yan. Papanik 'yan sa diaphragm mo. 'Pag na-paralyze ka sa diaphragm mo, tutubuhan ka namin mamayang gabi,'” sabi niya.

Aminado si Kuya Kim na nag-panic siya noong at doon na rin niya unang nasabi na kailangan niya si Lord. Paliwanag niya, noong na-stroke siya ay nakadepende pa siya sa kaniyang power kaya hindi pa niya tinanggap si Lord.

Ngunit sa pangalawang pagkakataon na nagkasakit siya, sinabi niya, “Lord, hindi ko kaya. Wala pala akong kaya. Hindi ko nga magalaw ang kamay ko e. Ikaw ang kailangan ko.”

Ayon kay Kuya Kim, bukod sa pangako niya na tatanggapin niya si Jesus Christ, na-realize din niya kung ano ang kailangan niya sa buhay.

Aniya, “Ang kailangan ko siya, akala ko kaya ko, e. Lahat 'yan bigay niya, and anytime it can be taken away. Anytime it can be taken away from you, so dapat nakaasa tayo sa Kaniya lagi.”

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA MAY UNUSUAL NA SAKIT SA GALLERY NA ITO:

Ngayon, maganda na umano ang lagay ng kalusugan ni Kuya Kim at sa katunayan ay naghahanda na siya para sa isang marathon sa Setyembre. Bukod pa dito, mayroon na ring baong work-out na ginagawa ang TV host para maging mas malusog ang kaniyang pangangatawan.

Para panatilihin ang kaniyang kalusugan, iniiwasan na raw ngayon ni Kuya Kim na magpuyat at sinisiguradong mayroon siyang anim na oras ng tulog.

“Pangalawa, regular exercise routine. 'Yung crossfit ko, kailang three, four times a week 'yan, tumatakbo ako ng three times a week, 'yun ang ginagawa ko ngayon,” sabi niya.

Pagpapatuloy niya, “Pangatlo, tamang pagkain. Ang kalaban natin, hindi taba. Ang kalaban natin, hindi kape. Ang kalaban natin, sugar. Sugar is what kills you, so lahat ng kinakain ko dapat low sugar. Hindi lang asukal 'yan, e, 'yung glucose at starch.”

Dagdag pa niya ay binawasan na rin niya ang pagkain ng tinapay at kanin, at sinabing mas magandang kunin ang carbohydrates sa mga gulay at prutas.

Isa pang nagbago umano sa kaniya ay ang panggigigil maging successful. Kung dati ay gigil na gigil siya sa success, ngayon ay nawala na ito at naging mas trusting at accepting na siya.

“Kapag pangit ang takbo ng mga bagay-bagay, 'Lord, binigay mo 'yan, ikaw na'ng bahala.' Basta binigay sa atin ni Lord 'yan, may dahilan. 'Pag inalis sa'yo, may dahilan din. At ang dahilan, palaging maganda,” sabi niya.