
“Last year I found out na may type 2 diabetes na ako.”
Ito ang ibinalita ni Sam Milby sa kanyang followers tungkol sa kalagayan ng kaniyang kalusugan ngayon.
Sa isang Instagram post, ipinakita ni Sam ang picture ng isang sugar monitoring device kung saan makikitangnasa 525 mg/dL (miligrams per deciliter) ang kaniyang sugar levels. Labis itong mataas dahil kadalasan ang normal na blood sugar ay nasa 180 mg/dL lang.
“I've always thought of myself as a healthy person. I don't have a sweet tooth, bihira din mag junk food, pero last year I found out na may type 2 diabetes na ako,” caption ni Sam sa kaniyang post.
Aniya, mas nakakagulat pa dahil hindi naman nagkaroon ng diabetes ang kaniyang grandparents o mga magulang. may pagsisi ring sinabi ng aktor, "I just wish I got checked up earlier nung pre diabetes pa."
Kaya naman bilang payo sa kanyang followers, sinabi ni Sam, "My advice - don't ignore the symptoms (my main symptoms - always thirsty and urinating often) and get checked up regularly."
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA MAY RARE MEDICAL CONDITION SA GALLERY NA ITO:
Ang diabetes ay isang chronic disease kung saan kulang ang insulin na napo-produce ng pancreas na nagpapababa ng blood sugar. Maaari ring hindi nagagamit ng katawan ang insulin nang tama.
Ayon sa World Health Organization (WHO), merong tatlong type ng diabetes. Ang Type 1 ay ang kakulangan ng insulin na napo-produce ng katawan.
Ang Type 2 naman ay related sa obesity, kakulangan ng physical activity, at unhealthy diet. Dahil dito, hindi nagagamit nang maayos ng katawan ang insulin na napo-produce ng katawan. Ayon pa sa WHO, 90 percent ng diabetes cases sa buong mundo ay Type 2.
Ang ikatlong type naman ng diabetes ay kilala sa tawag na gestational diabetes. Ito ay ang pagtaas ng blood sugar habang nagbubuntis ang isang babae. Madalas ang mga babae na may gestational diabetes ay maaaring magkaroon ng Type 2 diabetes.
Tingnan ang buong post ni Sam dito: