
“Hindi po ako adik…I'm living my life to the fullest right now.”
Ito ang ilan sa mga naging sagot ng The Voice Kids coach na si Billy Crawford sa mga pumupuna at nakapansin sa kaniyang naging pagpayat.
Kuwento ni Billy sa 24 Oras, hindi na bago sa kaniya ang ganitong isyu tungkol sa kaniyang kalusugan.
Aniya, “It's a loop. It's like a circle sa buhay ko - a non-stop conversation is my nutrition or my diet. I'm not on a diet.
“It used to face me. It used to get me. It used to -- my kurot nang konti pero now, it doesn't anymore. Nakakatawa na lang.”
Paglilinaw pa ni Billy, hindi siya gumagamit ng iligal na droga na sinasabing dahilan umano ng kaniyang weight loss.
“Sa mga nakakakilala sa akin, I am by far the one of the few artists or the ones who don't try drugs. We can all take a strand of our hair and do tests ngayon din. Puwede kong hamunin lahat ng tao dito ngayon, no problem. I have nothing to hide,” ani Billy.
Pagdidiin niya, “Hindi po ako adik. Adik ako sa pamilya ko. Adik ako sa trabaho ko. I'm living my life to the fullest right now.”
Paglalahad pa ni Billy, napagtagumpayan niya na rin na maalis sa kaniya ang pagiging alcoholic.
Aniya, “It's been over five years, since I've been sober. I have not touched a leak of alcohol. I have not touched cigarettes - zero. With God's help and God's grace, I did it.”
Mensahe pa ni Billy, “So, I think everyone is allowed and able to change. You can change.”
Ayon pa kay Billy, inspirasyon niya sa buhay ang kaniyang pamilya kasama ang asawa niya na si Coleen Garcia at ang kanilang anak na si Amari.
Samantala, mula sa success ng The Voice Generations, muling uupo si Billy bilang isa sa coaches ng pinakabagong The Voice Kids sa GMA.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The beautiful family of Billy Crawford and Coleen Garcia