
Isa na namang kusina ang kinatok nina Mikee Quintos at kuya Dudut sa Lutong Bahay, at isa na riyan ang beteranang aktres na si Nadia Montenegro.
Puno ng chikahan ang episode nitong Huwebes, December 12, at isa sa mga binalikan nila ang nagdaang health scare ni Nadia sa puso.
Ayon kay Nadia, iniinda na niya ang sakit sa puso mula 17 years old, pero hindi niya ito ipinagamot.
“This has been a disease that I've had since I was 17. [...] 'Yung WPW (Wolff-Parkinson-White Syndrome), hindi siya nakakamatay kaya never ko siyang pinagawa.”
Ngunit nagbago ang lahat nang atakehin si Nadia sa puso.
Kuwento ni Nadia, “Ang nangyari sa akin, noong nag-palpitate ako at inatake ako ng WPW ko, bumagsak ang blood pressure ko imbes na tumaas.
Nagbalik-tanaw naman si Nadia sa naramdaman at sinabing maraming dumapo sa kaniyang isip habang kinakaharap ang sakit sa puso.
“Noong wini-will in ako nang six nang umaga, nung hindi ko pa nakakausap ang lahat, parang gusto kong mag-'I love you' sa lahat, gusto kong tawagan lahat,” dagdag ni Nadia, “Ang dami mo pa palang biglang iisipin na gusto mong sabihin.”
“Ganoon pala 'yung feeling na hindi ka sure kung makakalabas ka pa [nang buhay],” dagdag ni Nadia.
Dahil sa pinagdaanang problema sa kalusugan, aminado si Nadia na nagbago ang kaniyang pananaw sa buhay, lalo na ang pagmamahal sa pamilya.
“I realized na [...] I cannot live without them. Super grateful ako [ngayon…]” ani Nadia.
RELATED GALLERY: Celebrities and personalities who suffered from stroke and heart disease