GMA Logo enchong dee
Celebrity Life

Enchong Dee, umaming nakaranas ng trauma

By Nherz Almo
Published December 14, 2024 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Express: December 21, 2025 [HD]
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

enchong dee


Ayon kay Enchong Dee, muntik na siyang humingi ng propesyunal na tulong dahil sa naranasang trauma.

Masaya ang aktor na si Enchong Dee dahil muli siyang kasali sa Metro Manila Film Festival sa pamamagitan ng pelikulang Topakk.

Sa naturang pelikula, gaganap si Enchong bilang isang scout ranger. Siya ang magiging dahilan ng 'topak' ng pangunahing karakter na si Miguel (Arjo Atayde), na nakararanas ng post-traumatic stress disorder (PTSD).

Ayon kay Enchong, naka-relate siya sa karakter ni Miguel dahil minsan na rin niyang naranasan ang PTSD.

“Yung time na yun, I was in the process of looking for a personal therapist, pero di naman ako umabot,” sabi ni Enchong nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang media matapos ang grand launch ng Topakk kamakailan.

Nang tanungin kung ano ang naging dahilan, paiwas na sinagot ni Enchong, “Mga pangamba sa buhay. Alam n'yo na 'yan. And I'm happy that people around me are very respectful. When I needed time, they gave me time.”

Katulad sa pelikula, ani Enchong, natutunan niya na ang tamang paraan para i-approach ang taong may PTSD.

Pagbabahagi niya, “That there's a proper briefing, there's a process. Mayroon tayong mga panibagong instrumento para ma-debrief ang emotions, alam mo yun, ang pinagdadaanan ng isang tao. Gamitin natin yun kasi hindi natin alam kung… Physical nakikita natin, pero kapag mental health, hindi natin nakikita. I think, let's use that tool kung kinakailangan.”

At ang pinakamahalaga sa lahat, paalala ni Enchong, “Mahalagang mangumusta. Mahalagang mangumusta sa mga taong itinuturing nating kaibigan at pamilya.”

Tingnan ang ilan pang celebrities na naging bukas tungkol sa kanilang mental health:

Samantala, tuwang-tuwa naman si Enchong sa kanyang ginampanang karakter sa Topakk dahil ito ang itinuturing niyang unang action character na ginawa niya.

Aniya, "I think, ha. Kasi, sabi ko nga, hindi ko nakita yung sarili ko na naging maangas sa lahat ng projects na ginawa ko, except for this one. Sabi ko nga kay Direk Richard [Somes], 'Thank you, ha, ginawa mo akong sobrang angas.' So, I'm very grateful that I'm part of this project."

Sa huli sinabi ni Enchong na, "Sana makita ng audience, makita ninyo, na kapag binigyan ng trabaho si Enchong, gagawin niya. Yun ang gusto kong maihatid na mensahe because I'm ready to work and I love to work."