Aiai Delas Alas, nagpapagaling sa sakit na Myokymia

GMA Logo aiai delas alas
Image Source: msaiaidelasalas (Instagram)

Photo Inside Page


Photos

aiai delas alas



Humingi ng paumanhin si Aiai Delas Alas dahil hnidi siya nakadalo nang personal sa press conference ng upcoming movie niyang Litrato sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City, kaninang umaga, July 4.

Kasalukuyang nasa San Francisco, California, ang tinaguriang Comedy Concert Queen, na nakasama lamang sa press conference sa pamamagitan ng Zoom.

“Pasensya na Alam n'yo naman ang nangyari sa akin. Hindi na ako nakauwi dahil hindi na kaya ng katawan ko ang sobrang pabalik-balik,”sabi ni Aiai nang kumustahin siya ng entertainment press.

Ayon kay Aiai, maaaring hindi rin siya makasama sa promotion ng pelikula dito Pilipinas dahil nagpapagaling pa siya sa sakit na myokymia.

Ayon sa American Optometric Association, ang kondisyong ito sa mata ay “unilateral and uncontrollable lid twitch or tic that is not caused by disease or pathology. Myokymia is thought to be brought on by stress and other similar issues and resolves on its own with time. It usually involves the lower eyelid and is self-limiting to a few days or a week.”

“Nag-beg off ako kasi nagkasakit nga ako nang kaunti,” sabi ni Aiai.

Pagkatapos ay inilarawan niya ang kanyang kondisyon, “Di na kinaya ng katawan ko kasi parang nabugbog na ako sa jetlag at masyadong biyahe. Kasi yung last na biyahe ko, parang medyo hindi maganda ang nangyari. Parang 30 hours akong nagbabiyahe.

“Hindi naman 'yun ang dahilan pero meron kasi akong myokymia, 'yung mata ko ba nagtu-twitch. Sa stress and sa puyat siguro dahil sa jetlag ko na sobra-sobra, pati 'yung left eye ko naaapektuhan siya. So, pinapagaling ko muna siya, pero okay naman na.”

Para makatulong sa promotion ng pelikula niyang ipalalabas na sa July 26, aniya, “Dito na lang, marami akong magagawa para sa promotion ng movie kahit nandito ako sa Amerika.”

Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman si Aiai dahil muli siyang nabigyan ng pagkakataong makatrabaho ang direktor na si Louie Ignacio. Nagkasama ang dalawa sa mga pelikulang Area at School Service, na parehong nagbigay ng Best Actress award kay Aiai.

Sa pelikulang Litrato, aminado si Aiai na isa na naman itong challenge sa kanyang acting award dahil hindi siya sanay umarte bilang isang matanda.

Pahayag ni Aiai, “Noong una, natatakot ako kasi sabi ko, 'Paano ba maging matanda?' Hindi naman ako marunong umarte nang ganun. So nagtext-text ako [kay direk], 'Uy, tulungan mo naman ako rito.' Parang nahirapan ako na bigyan ng hustisya 'yung paano talaga maging matanda na totoo.

“Siyempre, nandiyan naman si Direk para tulungan ako. Kahit medyo mahirap, alam ko na nandiyan siya.”

Bukod sa gabay ng kanyang direktor, malaki rin ang pasasalamat ni Aiai sa kasalukuyan niyang trabaho bilang facility activity director sa Amerika.

Paglalarawan niya, “Kumbaga, 'yung immersion na nangyari sa akin… 'Di ba, alam naman natin na nagwo-work as a a facility activity director, so nagpplano para sa mga matatanda. 'Yung iba dun, 'yung traits nila ay nakuha ko. Kaya parang medyo madali kung sino 'yung kokopyahin ko sa kanila.

“Although mahirap 'yung matandang acting pero, salamat sa Diyos, nagawa ko 'yung [trabaho], according to Direk Louie.”

Sa kabilang banda, malaki naman ang tiwala ni Direk Louie sa award-winning actress kaya tanging si Aiai ang kinunsidera niya para sa pelikula.

Sa parehong press conference, sinabi ni Direk Louie, Tawag ko sa kanya best actress, ang tawag naman niya sa akin favorite director. Siya ang aking best actress kasi paborito ko talaga si Aiai idirek. “

“Sabi ko sa kanya, 'Aiai, para sa 'yo lang 'to.' Kanya talaga yung Litrato. Bilib na bilib ako sa kanya. Idol 'yan, idol 'yan sa acting.”

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA MAY RARE MEDICAL CONDITION:


Ynna Asistio
Kris Aquino - Chronic Spontaneous Urticaria
Rhed Bustamante - Incontinentia Pigmenti
Alma Moreno - Multiple Sclerosis
Kim Atienza - Guillain-Barre Syndrome
Paolo Bediones - Psoriasis
Aiai Delas Alas - Psoriasis
Abby Asistio - Alopecia
Angelu de Leon - Bell's Palsy
Gerard Pizzaras - Bell's Palsy
Michelle Madrigal - Hashimoto's disease
Bernadette Sembrano - Bell's Palsy
Kelley Day - Alopecia
Aby Maraño - Psoriasis
Nadine Samonte - Antiphospholipid Antibody Syndrome
Miriam Quiambao - Obstetric APAS
Kim Idol - Brain Arteriovenous Malformation
Bea Rose Santiago - Chronic Kidney Disease
Sitti Navarro - Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS)
Rica Peralejo - Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS)
Lani Misalucha  Bacterial Meningitis
Kuya Kim Atienza -  Hashimoto's Hypothyroidism
Pen Medina - Degenerative Disc Disease
Selina Dagdag -  Gestational Trophoblastic Neoplasia
Joseph Puducay
Joseph's illness

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU