
Tulad ng ilang first-time mommies, nakaranas raw si Kapuso actress Rochelle Pangilinan ng postpartum blues.
'Di raw niya maipaliwanag ang nararamdaman niyang lungkot kasabay ng kaniyang saya bilang new mommy kay Baby Shiloh Jayne noong mga panahon na iyon.
Aniya, “Parang ang dami mong iniisip tapos 'yung baby, tapos 'yung katawan mo 'pag nakikita mo sa salamin - normal na made-depress ka.”
Ang postpartum depression ay isang mood disorder na nararamdaman ng karamihan sa mga first-time mothers pagkatapos manganak. Kasama dito ang pagkaramdam ng mood swings, crying spells, anxiety, at exhaustion.
Upang malampasan ang kanyang depresyon, nagpaka-active si Rochelle sa pamamagitan ng pag jogging, pagwo-workout, at pagsayaw ng simpleng dance routines.
Ang resulta? Isang sexy body for mommy Rochelle!
LOOK: Rochelle Pangilinan shares post-baby bod!
Ngayon, pinag-aaralan ng aktres na unti-unting iwanan si Baby Shiloh bilang paghahanda sa kaniyang pagbabalik trabaho.
Naglalaan raw siya ng isang oras na mawalay sa kaniyang baby habang natutulog ito kasama ng kaniyang asawa na si Arthur Solinap.
“Every morning 'pag nag-e-exercise ako at nagla-light jog sa labas, kinakaya ko kasi tulog pa silang dalawa.
“So, tumitingin na lang ako sa CCTV. 'Di ko kayang 'di tumingin,” natatawang pag-amin nito.
Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:
Rochelle Pangilinan introduces Baby Shiloh Jayne