Celebrity Life

Labis na Samgyupsal at milk tea, ano ang epekto sa katawan?

By Bianca Geli
Published July 22, 2019 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas escape Thailand, advance to SEA Games women’s football gold medal match
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding

Article Inside Page


Showbiz News



Ilang beses nga ba sa isang buwan puwedeng mag-samgyupsal at milk tea? Alamin!

Usong-uso ngayon ang unlimited Korean BBQ na may kasamang karneng baboy, baka, o manok.

May kanin at side dishes pang kasama, at halos lahat puwedeng gawing unlimited.

'Yan ang hatid ng mga Korean BBQ o Samgyupsal restaurants.

Pero payo ng eksperto, isang beses sa isang buwan lang dapat mag-Samgyupsal. Mataas daw kasi ang calorie content ng isang unlimited Samgyupsal meal.

Ang sampung strips ng pork belly, may 1,220 calories. May 410 calories naman ang sampung strips ng baka, at 410 calories naman ang sampung strips ng manok.

Ayon sa mga eksperto, mainam daw sa katawan ang calories na galing sa karne, huwag lang sosobra.

Ayon din kay Nutrition Officer Jomari Tongol mula sa National Nutrition Council, “Hindi nagiging maganda ang epekto nito kapag sobra-sobra tayo ng pagkain tapos hindi naman tayo aktibo. Puwede siya mag-lead sa obesity o pagka-overweight.”

Bukod sa unlimited Samgyupsal, patok din ngayon ang milk tea.

May kaniya-kaniyang calorie content ang bawat sangkap ng milk tea. Ang 1 teaspoon ng asukal, may 20 calories. May 100 calories naman ang isang bowl ng pearls, at 170 calories naman ang isang cup. Sa kabuuan, nasa 400 calories ang isang baso ng milk tea.

Dagdag ni Nutrition Officer Jomari, “Ang recommendation kasi ng World Health Organization, ang isang adult kasi dapat nasa 5 to 10 teaspoons lang ng free sugar ang puwedeng i-intake sa isang araw. Alam natin na ang milk tea, mataas ang sugar content niya, kaya hindi siya panay.”

Ayon sa mga eksperto, 1,500 calories lang ang dapat naku-konsumo ng tao na hindi nag-eehersisyo. Mahirap mag-sunog ng calories. Kailangan tumakbo ng 1 kilometro sa loob ng 15 minuto para mawala ang 100 calories.

Kung hindi natutunaw ang sobrang calories, magkakaroon ng calorie surplus o sobrang calories sa katawan na makakapag-cause ng weight gain.

Puwede ring magdulot ng Hypertension o high blood pressure ang sobrang pagkain ng Samgyupsal.

Ayon kay Jake Brandon Andal, Public Relations Officer ng Philippine Society of Nutritionist Dietitians. “Madaming factors kung bakit tumataas ang blood pressure, puwedeng sa hydration, genetics, etc. pero in relation to diet may mga taong sensitive to salt, meaning kapag kumakain sila ng mga pagkain na mataas sa salt, doon nagkakaroon ng hypertension.”

Para makaiwas sa mga sakit dulot ng sobrang pagkain ng maaalat, matatamis, at mataas ang calories, payo ng mga eksperto na pumili ng low-calorie drinks na walang added sugar, at walang flavorings. Pero kung hindi mapigilan ang cravings sa milk tea na matataas ang calories at maraming sugar at whipped cream, puwede bawasan na lang ang intake natin to one milk tea drink sa isang linggo. Mas healthy na, mas matipid pa.

Panoorin ang buong report sa Investigative Documentaries: