
Naging usap-usapan sa Internet ang mga panindang tuyong dahon ng online seller na si Kerwin Anne Reyes.
Umani ng batikos si Kerwin Anne mula sa mga netizen dahil sa kanyang panindang sunbaked talisay leaves catappa o pinatuyong dahon ng talisay.
Kuwento ng online seller, marami raw ang nagtatanong sa kanya kung saan daw ba ginagamit ang mga dahong ito.
Iginiit niyang hindi naman siya magbebenta nito kung walang bumibili at sa kasalukuyan, ito na ang best-selling item niya sa kanyang online shop.
Ngunit bakit nga ba maraming bumibili sa sunbaked Talisay leaves ni Kerwin Anne at bakit niya rin itong naisipang ibenta online?
Alamin sa video ng iJuander below: