
Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng tao na infected ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nasa 380 na kahapon, March 22, may mga ilang hospital na ang nanghihingi ng tulong para mabigyan sila ng supply ng personal protective equipment (PPE) tulad na lang ng face mask.
Kaya naman ganun na lamang ang tindi ng emosyon ng former Bubble Gang star Ara Mina nang punahin siya online ng isang netizen sa pagsusuot ng face mask sa loob ng bahay.
Sa Instagram post ng aktres last March 21, ipinasilip nito ang cute photo nila ng kanyang anak na si Amanda "Mandy" Gabrielle habang may suot na face mask.
Sa comment section ng kanyang post, inakusahan si Ara ng pagiging "insensitive" ng isang basher kung kailan may kakulangan ng face mask ngayong may coronavirus pandemic.
Saad pa ng netizen na "huwag daw inggitin" ang health workers.
"'Di n'yo naman kailangan ang mask kung nasa bahay lang kayo. Please be sensitive, maraming health workers ang walang masks. Huwag n'yo na silang inggitin."
Agad naman tumugon ang celebrity mom at ipinaliwanag na kaya sila may suot na mask ay galing sila sa labas.
Dagdag pa ni Ara, nagbigay na din siya ng tulong sa frontliners.
"DI PO KAMI NANG IINGGIT ATE. GALING PO KAMI SA LABAS NG BAHAY NAMIN NG ANAK KO. NAGLAKAD LAKAD SANDALI. BAWAL PO BA MAGMASK SA LABAS? WE DECIDED TO HAVE A PICTURE INSIDE THE HOUSE KASI MADILIM SA LABAS. SANA PO WAG TAYO BASTA MAGJUDGE.
"AND DONT TELL ME TO BE SENSITIVE BEC I'M SENSITIVE ENOUGH AND FYI NAGDONATE PO AKO NG MGA MASKS SA FRONTLINERS BAKA DI NYO LANG PO ALAM.
"PINAPAALAM KO NA PO SA INYO. KASI DI PO LAHAT NG MGA BAGAY NA NAGAGAWA NAMIN E NAME-MEDIA OR NAPAPA-MEDIA. MARAMING SALAMAT PO!"
Ipinanganak ni Ara ang baby girl nila ng ex-boyfriend niya na si politician Patrick Meneses noong December 2014.
MORE ON CELEBRITIES WHO TESTED POSITIVE FROM COVID-19:
IN PHOTOS: Celebrity weddings cancelled due to COVID-19 pandemic
LIST: NBA stars who test positive for COVID-19