GMA Logo Metro Manila skyline
Celebrity Life

LOOK: Metro Manila skyline, kita na sa Mariveles, Bataan

By Aedrianne Acar
Published March 27, 2020 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Metro Manila skyline


Dahil sa pagbaba ng air pollution, mas nakikita na mula Mariveles, Bataan ang skyline ng Metro Manila.

Ni-report sa 24 Oras kamakailan lang ang pagbaba ng nibel ang air pollution sa buong Metro Manila nang simulang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang lugar sa bansa.

LOOK: Air pollution sa NCR, malaki ang ibinaba?

Viral naman ngayon ang litrato ni Bles Yee-Defeo na kanyang ini-upload sa Facebook. Mula kasi sa kanyang kinaroroonan sa Mariveles, Bataan ay kita ang skyline ng Metro Manila.

Ayon pa sa uploader, kuha lamang ang larawang ito sa pamamagitan ng kanyang smartphone.

Kahapon, March 26, ibinahagi naman sa GMA News Facebook page ang kuha ni GMA News anchor Raffy Tima ng memorial cross sa Mt. Samat Shrine na nasa Bataan din.

Pinag-usapan din online ang video ni Randy Raga kung saan ipinakita na nagkulay "turquoise blue" ang tubig sa isang bahagi ng Manila Bay.

Clearer view of the Sierra Madre mountain range can now be seen from the city