
Marami raw ang nagtatanong sa award-winning comedian at creative director na si Michael V. kung paano siya nahawa ng COVID-19?
Sa kanyang pinakahuling vlog entry, ang Bitoy Story 30: Level Up, aminado si Bitoy na palaisipan pa din sa kanya at pamilya niya kung paano siya tinamaan nito.
Ayon kay Michael V., habang shino-shoot niya ang bagong Bitoy Story episode, nine days na siyang walang sintomas ng COVID-19.
Gayundin, hindi siya makapaniwalang naaabot ng kanyang YouTube channel ng one million subscribers sa ganitong sitwasyon.
Aniya, “BSS very good news, more than one million subscribers na tayo at sa totoo lang hindi ko na-imagine na sa ganito din tayong paraan makaka-hit ng one million subscribers, na literal na kailangan magkaroon ng virus para maging viral, pero I'm not complaining.
“Kung marami ang napulot doon sa huling vlog ko, I still think it's worth the shot.”
Ibinahagi din ni Michael V. na maaring nakuha niya ang sakit dahil sa deliveries.
Paliwanag niya, “Marami pa rin nagtatanong kung saan ko nakuha 'yung virus, so let me tell you what I think.
“Noong early July bumiyahe kami sa Batangas at kahit bahay-kotse-bahay lang 'yung naging sistema namin papunta at babalik, siyempre, 'yun agad ang pumasok sa isip ko.
“Doon sa biyahe na 'yun tatlong tao lang ang nakalapit sa akin at lahat sila ay ngayon ay negative.
“Sa apat na kasambahay namin na pinatest din namin, isa ang nag-positive pero asymptomatic.
"At kumpara sa misis ko at mga anak ko, ako 'yung pinaka hindi in-contact sa kanila.
“Si Ayoi at 'yung mga anak ko nag-negative din sa test, so ibigsabihin hindi ko sa Batangas nakuha.”
“Ang duda ko deliveries, pero FYI lahat ng deliveries na dumadating hindi nakakapasok sa studio na hindi sina-sanitize.
"Pero dahil sa sobrang excited ko na mabuo 'yung studio ko, palagay ako na may mga online deliveries ako na nabuksan tapos diretso ginamit ko na.”
“Sa sobrang atat ko malamang hindi ko na nasanitize 'yung nasa loob nung package, 'yun lang ang nakikita kong paraan para makasingit 'yung virus sa katawan ko.”
Nakakalungkot din, ayon kay Bitoy, na sa kabila ng hirap na maging COVID-19 patient, nakaranas din ng harassment ang kanyang pamilya.
Malungkot na ikinuwento ng Kapuso comedian ang nararanasang “stigma” ng mga tulad nila niya na positibo sa virus.
“Nakakadagdag din sa sakit 'yung 'stigma' sa mga COVID patients, para kang tinatakan ng reject ng lipunan,
“Kahit naka-full PPE [personal protective equipment] ka iniiwasan ka ng mga tao, kinatatakutan, pinandidirihan.
“Ang masama 'yung iba hinihiya at hina-harass ka pa. Hindi ko nalang idi-detalye, pero kami mismo ng pamilya ko naka-experience kami ng harassment.”
Mahirap man daw ang kinakaharap nating hamon dahil sa sakit na ito, nakikita pa rin ni Michael V. ang magandang idinulot nito sa ating buhay.
Sambit niya, “Pero kahit papaano may magagandang dinulot itong COVID sa buhay sa iba sa atin: mas nakilala mo sarili mo, nalaman mo strength at weaknesses mo, mas nakilala mo 'yung partner mo, mas napalapit 'yung pamilya mo.”
Michael V., positibo sa COVID-19
Kamusta si Michael V. habang naka-home isolation?
Michael V. shares update on his health after being diagnosed with COVID-19