GMA Logo donita nose covid19 experience
Celebrity Life

Donita Nose, nanawagang 'wag pandirihan ang mga nagkasakit ng COVID-19

By Cherry Sun
Published August 4, 2020 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

donita nose covid19 experience


Nagbigay ng update si Donita Nose tungkol sa kanyang kondisyon at sa kanyang karanasan habang nilalabanan ang COVID-19 sa ospital.

Masaya at nagpapasalamat si Donita Nose sa pagbuti ng kanyang kalusugan matapos magpositibo sa COVID-19.

Kasabay ng kanyang pagbibigay-update tungkol sa kanyang kalagayan ay ang kanyang madiing paalala na huwag pandirihan ang mga taong tinamaan ng kinatatakutang sakit.

Noong July 27, ibinalita ni Donita na kasalukuyan siyang nagpapagaling sa ospital upang labanan ang COVID-19.

Nitong August 1, Sabado, nag-live siya sa kanyang Facebook page upang ibahagi ang kanyang nararanasan.

Ayon sa kanyang pagbabalik-tanaw, hindi siya agad nagpa-admit sa ospital.

Nang sumama ang kanyang pakiramdam at taas-baba ang kanyang lagnat, sinubukan niya agad mag-isolate at magpagaling mula sa kanyang tahanan.

Ngunit pumunta na raw siya sa ospital nang may maramdaman sa kanyang dibdib.

Nasaksihan din daw ni Donita ang mga hamong pinagdaraanan ng kanyang mga kapwa pasiyente at ang tunay na sitwasyon sa mga ospital.

Bahagi niya, hindi siya agad nabigyan ng private room dahil sa dami ng may sakit.

Wika ng komedyante, “Wala talagang mapaglagyan. Diyos ko po. Wala talaga, wala talagang room na available sa sobrang dami nang pasiyente.

"'Yun din 'yung minsan struggle 'pag nasa hospital ka na. Saan ka pupwesto? Maayos ba 'yung magiging ano mo. Alam mo 'yun.”

Dumaan man sa kalbaryo, masaya at nagpapasalamat siya sa pagbuti ng kanyang kalusugan.

Sambit niya, “Sobrang malakas na 'yung pakiramdam ko, hindi na ako nanghihina. Hindi na ako nahihirapang huminga.

"Buti nga hindi ako dumating sa point na kailangan ko na mag-life support, na magtubo. Awa ng Diyos talaga naagapan ko siya.”

Dahil sa kanyang pinagdaanang sakit, hinihikayat din niya ang mga tao na magkaroon ng healthy lifestyle sa pamamagitan ng tamang pagkain at ehersisyo.

Base sa kanyang personal na karanasan, hindi raw nakatulong sa kanya ang pagda-diet.

Paliwanag niya, “Better na 'wag muna kayo mag-diet ngayon, kumain kayo. 'Yan ang ginawa ko. Nagdiet ako nang nag-diet.

"Kung gusto niyo, kumain kayo nang marami, kumain kayo nang tama.

"'Yung mga ayaw tumaba, 'tapos mag-exercise pa rin kayo. Pero kumain kayo. 'Wag na 'wag kayong mag-diet sa panahon na 'to, please.”

Samantala, ginamit din ni Donita ang pagkakataon na manawagan sa mga tao na huwag i-discriminate at husgahan ang mga taong nagpositibo sa COVID-19.

Paalala niya, “Pwede tayong umiwas sa tamang paraan pero 'wag nating iparamdam sa kanila na nandidiri tayo, ha.

"Kasi mahirap guys, mahirap talaga magka-COVID[-19] sa totoo lang. Hindi siya ganun kadali, hindi siya ganun kasimpleng sakit.

“Ang kailangan lang po talaga natin is tayo-tayo mismo lahat magtulungan, lalo na sa magkakapit-bahay.

"Ngayon, kung meron kayong kapit-bahay na merong COVID[-19], e, di ipag-pray niyo, 'di ba?

"Huwag niyo na ipakita na parang nandidiri kayo. Alam niyo 'yun.

"This is not the right way para iparamdam sa kanila na tumutulong pa kayo. Instead, binababa niyo pa sila, lalo niyo pang dine-deprive, sinasaktan niyo pa ang feelings nila imbis na gumaling sila.”

Maliban kay Donita, ilan pang celebrities ang tinamaan ng COVID-19 tulad nina Michael V, Iza Calzado at Christopher de Leon.